Last Updates: August 25, 2025
Bumili ka ba ng bagong phone o naghahanap ka ng paraan para alagaan ang kasalukuyan mong device? Syempre, gusto nating lahat na tumagal ang phone natin nang hindi agad bumababa ang battery health. Narinig mo na siguro ang mga kuwento-kuwentong "masama ang overnight charging" o "kailangan maubos muna ang battery bago i-charge."
Well, sa post na 'to, ibabahagi ko ang mga proven at tested na charging habits na ginagamit ng mga tech experts. Ang sikreto? Simple lang: huwag i-stress ang battery mo.
Lahat ng modernong phone ay may Lithium-ion (Li-ion) batteries. Sa kasamaang palad, natural na "tumanda" at bumaba ang performance nito habang ginagamit. Normal lang na bumaba ang battery health after 2-3 years, pero sa tamang pag-aalaga, posible talagang tumagal ito nang 5 taon o higit pa! Malaking bagay ang ginagawa mo araw-araw.
Kung gusto mong bumagal ang "pagtanda" ng baterya mo, sundin lang ang mga simpleng tips na 'to:
Huwag Hintaying Mag-0% ang Baterya: Akala ng marami, kailangan maubos ang battery bago i-charge. Mali 'yan! Mas na-i-stress ang battery kapag palagi itong nasa 0-10%. Mas maganda kung magcha-charge ka na kapag nasa 20-30% pa lang.
Huwag Laging 100%: Pwede mong i-full charge ang phone mo, pero iwasan itong gawin araw-araw. Para sa long-term health, mas okay kung nasa 80-90% lang ang top charge mo. Ang "sweet spot" ay mag-charge sa pagitan ng 20% hanggang 80%.
Mas Okay ang 'Partial Charges': Hindi kailangan ng buong full charge. Mas healthy sa baterya ang paunti-unting charges throughout the day. Para itong snacks ng baterya mo—mas okay kaysa sa isang malaking meal lang.
Huwag Mag-Overnight Charging (Kung Walang Smart Charging): Kung mayroon ang phone mo na Optimized Charging (sa iPhone) o Adaptive Charging (sa Android), safe lang 'yan. Pero kung wala, mas mainam na tanggalin mo sa saksakan bago pa siya ma-100% at uminit
Kung may isang bagay na dapat mong tandaan, ito 'yon: Heat is a battery killer.
Huwag mag-charge sa ilalim ng araw o sa loob ng kotse.
Kung umiinit ang phone mo habang nagcha-charge, tanggalin muna ang phone case para makahinga.
Iwasan ang heavy gaming or video streaming habang naka-charge.
Ang sagot ay simple: original o certified na charger at cable lang. Ang mga fake o generic na charger ay pwedeng mag-overheat, makasira ng baterya, at minsan ay delikado pa.
iPhone: Hanapin ang MFi-certified (Made For iPhone) logo sa box.
Android: Gumamit ng charger na sinasabi ng manufacturer ng phone mo.
Software Updates: Siguraduhing laging updated ang phone mo. Madalas may mga battery optimization sa mga bagong updates.
Moderate Use: Okay lang mag-charge habang ginagamit, pero iwasan ang heavy tasks.
Battery Calibration: Once in a blue moon, pwede mong i-drain ang baterya mo sa 0% at i-full charge sa 100% para ma-refresh ang reading nito (once every few months lang, hindi araw-araw!).
Question: Ano ang pinaka-importanteng charging habit na dapat kong tandaan?
Answer: Charge within the 20% to 80% range at iwasan ang sobrang init.
Question: Masama ba ang overnight charging?
Aanswer: Hindi na kung may smart charging features ang phone mo.
Question: Bakit bumababa ang battery health kahit maingat ako?
Anaswer: Natural na "tumanda" ang baterya over time. Ang goal ay mapabagal ang "pagtanda" na ito sa tamang pag-aalaga.
Ang baterya ng phone mo ay parang tao—ayaw niya ng sobrang init at sobra-sobrang stress. Kapag inalagaan mo siya nang tama, kaya niyang tumagal nang 5 taon o higit pa nang hindi ka niya pababayaan.