Last Updates: August 31, 2025
Madalas bang mabilis malowbat ang phone mo? Alamin ang mga dark mode hacks para makatipid sa battery life. Effective ito lalo na sa mga phone na may OLED screen.
Madalas mong maramdaman na mabilis malowbat ang phone mo, 'no? Baka hindi mo pa nasusubukan ang totoong lakas ng Dark Mode. Karamihan sa atin, akala "porma" lang 'to o pang-astig na look. Pero alam mo bang malaki ang impact ng dark mode sa battery life, lalo na kung ang Android o iPhone mo ay may OLED o AMOLED display?
Sa article na ito, ibabahagi ko ang mga Dark Mode hacks na simple, subok na, at madaling gawin. Perpekto ito para sa mga laging nasa labas, walang power bank, o ayaw lang paulit-ulit mag-charge.
Sa madaling salita, ang Dark Mode ay isang feature ng Android at iOS na ginagawang dark o black background ang buong interface ng phone mo. Imbes na puting background na kailangan i-ilaw ang lahat ng pixels, mas kaunting pixels ang ginagamit kapag dark.
Sa mga phone na may OLED/AMOLED screens (karaniwan sa mga flagship Android at iPhone X pataas), ang black pixels ay literal na "off". Hindi sila umiilaw. Dahil diyan, mas kaunting kuryente ang kailangan ng screen.
Resulta: Mas matagal bago malowbat ang phone mo.
Kung ang phone mo naman ay LCD screen, hindi siya kasing impactful, pero may konting tipid pa rin dahil mas mababa ang brightness na kailangan mo.
Kung Android user ka, swerte ka! Sobrang daming paraan para ma-maximize ang dark mode. Heto ang mga hacks na pwede mong gawin:
Paano: Pumunta sa Settings > Display > Dark theme.
Baket: I-on ito buong araw para malaking tipid sa battery, lalo na kung mahilig ka sa social media.
Paano: Karamihan ng apps ay may sariling dark mode option.
Halimbawa: Facebook (Settings & Privacy), Messenger (Profile), YouTube (Settings > General), at Gmail (Settings > General).
Paano: I-combine ang Dark Mode sa 30–40% brightness.
Baket: Malaking tulong ito para mas tumagal ang battery life. Iwasan ang max brightness kung di naman kailangan.
Paano: I-on ang Power Saving Mode o Battery Saver habang naka-dark mode.
Baket: Ultimate combo ito para sa mga mahabang biyahe o kung walang charger.
Kung iPhone user ka, lalo na sa mga may OLED display (iPhone X, XS, 11 Pro, 12, 13, 14, at 15 series), mas effective talaga ang dark mode sa pagtitipid ng battery.
Paano: Pumunta sa Settings > Display & Brightness > Appearance > Dark.
Baket: Piliin ang "Dark" at gawin itong default.
Paano: Karamihan ng apps ay may sariling dark mode.
Halimbawa: Instagram, TikTok, YouTube, at Gmail ay may dark mode settings.
Paano: Kapag malapit ka nang malowbat, i-on ang Low Power Mode kasabay ng Dark Mode.
Baket: Mas matagal ang itatagal ng battery mo bago umabot sa 0%.
Answer: Oo, lalo na kung ang phone mo ay may OLED/AMOLED screen.
Answer: I-on ito system-wide, gamitin sa mga madalas na apps, i-partner sa lower brightness, at battery saver.
Kung iniisip mo na "pang-style" lang ang Dark Mode, mali ka! Totoong nakakatulong ito para mas makatipid ng battery sa Android at iPhone. Lalo na kung mahilig kang magbabad sa apps at games, malaking bagay na ang ilang porsyento ng battery life na mase-save mo.
Pro Tip: Gawing habit ang paggamit ng Dark Mode. I-combine sa low brightness at power saving para sa pinakamagandang resulta.
Sa huli, ang Dark Mode hacks ay hindi lang para sa aesthetic kundi para sa longer battery life, less charging time, at mas hassle-free na paggamit ng phone.